Mga dapat iwan sa 2007: si Erap Estrada, si Gloria Macapagal-Arroyo at ang laksa-laksang mga Pilipino na patuloy pa ring nakikipag-ungguyan sa biyahe ng lipunang walang patutunguhan dahil sa kaguluhan, kahayukan at kasakiman sa kapangyarihan at kaban ng bayan.
Mga dapat asahan sa 2008: ang pagkauntog ng taumbayan sa katotohanan at pagbalikwas ng masang Pilipino para sa katarungan, karapatan, kalayaan at pagkapantay-pantay.
Ito ang totoong mensahe ko: maraming salamat sa lahat ng pagkakataon, pagsubok, pagkakaibigan at hindi pagkakaunawaan sa taong 2007 dahil kung wala ang mga ito, walang kahulugan at kabuluhan ang parating na taon sa buhay ni Gari.
Sa ating lahat, bawal ang GD (read: gagong-determinado) at i-enjoy lang ang panahon ng kapaskuhan kahit butas pa ang bulsa at marami pa tayong bubutasin.
No Comments
Leave a Comment
trackback address