Sa ganang akin, kapag ang konsepto at balangkas ng mga fraternities ay nakalugar sa kabuuang konteksto ng violence (physical and psychological) , machismo (male dominance/macho culture) , omerta (code of silence), unlawful activities at mafia-like systems mananatili pa rin ang panawagang buwagin ang lahat ng fraternities and it is not impossible that frat-related violence and death won’t be put to an end with Cris Anthony Mendez being its last casualty.

Nalagasan na naman ng isang matinong lider istudyante ang Pilipinas dahil sa walang katuturang hazing at wala ring kasiguraduhan kung ilan pa ang malalagas habang may mga fraternity na ayaw talikuran ang marahas na initiatiation rites.

There is nothing wrong or bad with fraternities, it’s about brotherhood that can provide a sense of belongingness to youngsters who are still adjusting to university life and to a certain degree, it provides a security blanket for anyone who needs to fit in the demand of the academe and beyond .

Hindi rin naman unconstitutional and pagtatatag o maging pagsali sa mga fraternities and as a matter of fact the right to association has been guaranteed and with the generous number of fratmen in the august chambers of Congress and the Courts, shutting down fraternities will be improbable.

Wala naman sanang masama sa mga frats in its brotherhood sense dahil sa katotohanan ng buhay napapasama lamang ang lasa at lagay nito kapag nahaluan na ng hazing ang mga bagay-bagay at mukhang hindi rin naman uubra ang kasalukuyang batas para i-regulate ang mga ganitong gawain,

Nung nadale si Cris Anthony Mendez, naisip ko na lamang na bakit ang isang matalino, accomplished at lider-istudyante ay mapapasali sa isang fraternity ng hindi natitimbang ang mga posibleng bunga nito. Kahit naman sa isang regular na istudyante, may kalinawan naman na ‘brotherhood and violence don’t make sense’ bukod pa ang ilang ideolohikal na pananaw sa kultura ng frat.

Kung napanuod ko sana ang pelikulang Tribu ay baka maunawaan ko ng medyo ang konteksto ng fraternities lalo na’t hindi naman ako ni minsang napasali sa mga ito at mukhang walang pinagkaiba ang mga gangster at fratmen sa kinahinatnan ni Cris Anthony Mendez.

Ang alam ko lang din pala, ang tanging experience ko sa frat ay nung mapagtripan ako nuong highschool ng mga miyembro ng Akhro at SRB (di ko alam kung meron pa nito dahil ang alam ko na-ban sila sa aming eskuwela o baka naman ito na ang founding organization ng mga gangsta sa paligid) dahil nagsulat ako ng kontra sa kanila habang patnugot ako ng aming diyaryo.

Gusto ko sanang makisali sa panawagang buwagin ang mga fraternities pero kailangan kong maunawaan na hindi naman question of irrelevance and irreverence ang tuntungan ng panawagan bagkus ay sa mga gawi ng fraternities.

Naniniwala rin ako na baka mayroon pa ring natitirang ‘beauty in the ugly side of fraternities’ kung kaya maari pa itong isalba sa pamamagitan ng pagkambyo ng kanilang pananaw kontra-karahasan at para simulan iyan kinakailangan manindigan ang bawat isa—fratmen o hindi—na wakasan ang karahasan at bigyang hustisya ang mga biktima nito sa pamamagitan ng pagtatakda ng pananagutan sa mga lider at alumni ng naturang mga grupo.

Sa ganang akin, kapag ang konsepto at balangkas ng mga fraternities ay nakalugar sa kabuuang konteksto ng violence (physical and psychological) , machismo (male dominance/macho culture) , omerta (code of silence), unlawful activities at mafia-like systems mananatili pa rin ang panawagang buwagin ang lahat ng fraternities and it is not impossible that frat-related violence and death won’t be put to an end with Cris Anthony Mendez being its last casualty.

And lastly, let takes a few minute of our blogging hour to express sympathy and prayers to the family and friends of Cris Anthony Mendez and let us all hope that justice will be served.

Related Post:

Hustisya Para Kay Cris - UP Student Council
Niño Calinao, Cris Anthony Mendez, Dennis Venturina at ang mga diyos sa UP


Leave a Comment